I wish I could say that all relationships turn into ‘happily ever after’ but that’s just not true.
Minsan ginawa na natin ang lahat nang magagawa natin para lang magwork ung relationship natin sa alam natin na tama pero bakit parang lagi nalang may kulang at hindi ka lagi masaya, laging may hinahanap, minsan naman napupunta ka sa isang relationship na mali ang simula, napilitan or para lang makalimot. Ganun nalang ba lagi… maraming ganyan na tao hindi na natin dapat tanungin kung sino sila, ako minsan ko na ginawa yan, mali pero alam mo sa sarili mo na kelan man hindi magwork ang ganung relationship.
Bakit mahirap sa tao ang magdesisyon pag ikaw ang iniwan at ganun naman kadali pag ikaw ang nangiwan, you know in your deepest heart of hearts if the person you are involved with is good for you or not, pero nagbubulagbulagan ka sa nangyayari, “Love is Blind”, sagot ko sa “what is love?” nung highschool pa ako sa mga taong mahilig magpasagot nang autograph, pero kelan mo makikita ang totoo o ang hindi, ang mali sa tama. Lahat tayo nawawala sa sarili pag Love na ang umiral, ang mayaman nagpapakahirap para lang maramdaman ang pagmamahal, ang mahihirap nagpapanggap para lang mapansin nang taong mahal nya, ganun ba talaga ang dapat nating gawin? Kelangan ba nating pantayan or pilitin ang sarili na magbago para sa ibang tao, paano kung ung taong pinaguukulan mo nang pansin baliwala ka lang, lalaban ka pa ba? Kelan mo sasabihin na talo ka na? kelan ka titigil sa laban na kahit sa simula palang alam mo na hindi ka mananalo.,
Iba talaga pag pinaglaruan ka na nang lintek na pagmamahal na yan, sa larong ito wala kang kakampi kundi ang sarili mo, na ang akala mong tao na lagi nanjan sa tabi mo e ang taong unang tutulak sayo para malaglag ka sa pinaniniwalaan mo. Hindi lahat nang laban tagumpay ka, pwede bukas panalo ka at sa isang araw talo ka na. pero hindi natatapos ang buhay mo pag natalo ka. Pwede kang tumayo uli at lumaban, pwedeng taong nagpabagsak sayo ngayon ay ang taong magtatayo sayo sa susunod. Sa ngayon hindi natin alam kung sino ang para kanino, ang kinaaayawan mo noon pwede gusto mo na ngayon, pwede ang taong makikilala mo palang sa isang araw ang taong makakasama mo, marami na akong nakilala na hindi maganda ang ending, pero patuloy parin lumalaban kahit nahihirapan na. Paano nga ba magmahal nang tama? Ang gulo diba? Pagkulang ka sa pagmamahal magagalit sayo, at sobra ka nman magbigay magagalit sayo, hindi ba nila naiisip na nagmamahal ka lang, siguro nga mas masarap para sa iba ang minamahal kesa sa nagmamahal,
Marami na rin akong naging laban na pinagdaanan may seryoso, may napadaan lang, na akala ok na hindi pa pala, may iniyakan, umiyak, nagmahal at minahal, pero sa dami nang pinagdaanan ko bakit lagi nalang may naiiwang tanong sa akin, anong mali sa taong magmahal, anong mali pag binigay mo ang lahat, mali bang maging sunudsunuran sa taong mahal mo, ang akala nang iba under ka na kasi hindi ka makahindi sa taong mahal mo, pero hindi ba nila naiisip na kaligayahan lang nila ang habol mo na kahit masaktan ka ibibigay mo para sa kanya, ganyan Katanga minsan ang tao.. sabi nga “Hahamakin ang lahat masunod ka lamang” o hindi ba noon palang tanga na talaga ang tao pag nagmahal.
Isa lang ang masasabi ko, sa bawat pagkatalo mo may matututuhan ka para sa susunod na laban, may mga bagay na ipapasalamat ka, at may mga bagay na hindi mo na kayang kalimutan pa..
Perfect love… parang hindi na ako naniniwala sa ganito, wag mo daw hanapin at kusang darating.. kung kayo talaga pagtatagpuin kayo, mga paniniwalang hindi natin alam kung talagang dapat paniwalaan.
“If you can’t get what you want, and then try to love what you have” a simple quote…
No comments:
Post a Comment