Para sa mga ulirang magulang at magiging magulang balang araw....
Parental Wisdom -Filipino Style
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na
payo na nakuha ko sa aking mga magulang..
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE :
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo,
kalilinis ko lang ng bahay."
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC :
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC :
"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng
sine."
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM:
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA:
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain
mo!"
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER:
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang
dinaanan ng bagyo!"
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang
alisin sa mundong ito."
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION:
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:
"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY
"Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at
mayroon kayong magulang na tulad namin?"
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION :
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng
RECEIVING:
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
15. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng
DETERMINATION:
"Hanapin mo yung pinahahanap ko sa iyo, pag di mo nahanap, makikita
mo!"
16. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR:
"Kapag naputol yang mga paa mo sa pinaglalaruan mong lawnmower, wag na
wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"
17. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung
ano ang JUSTICE:
"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak... tiyak magiging katulad mo at
magiging sakit din sa ulo.....
No comments:
Post a Comment