Wednesday, September 16, 2009

Happily Ever After!

I wish I could say that all relationships turn into happily ever after but that’s just not true.

Minsan ginawa na natin ang lahat nang magagawa natin para lang magwork ung relationship natin sa alam natin na tama pero bakit parang lagi nalang may kulang at hindi ka lagi masaya, laging may hinahanap, minsan naman napupunta ka sa isang relationship na mali ang simula, napilitan or para lang makalimot. Ganun nalang ba lagi… maraming ganyan na tao hindi na natin dapat tanungin kung sino sila, ako minsan ko na ginawa yan, mali pero alam mo sa sarili mo na kelan man hindi magwork ang ganung relationship.

Bakit mahirap sa tao ang magdesisyon pag ikaw ang iniwan at ganun naman kadali pag ikaw ang nangiwan, you know in your deepest heart of hearts if the person you are involved with is good for you or not, pero nagbubulagbulagan ka sa nangyayari, Love is Blind, sagot ko sa “what is love?” nung highschool pa ako sa mga taong mahilig magpasagot nang autograph, pero kelan mo makikita ang totoo o ang hindi, ang mali sa tama. Lahat tayo nawawala sa sarili pag Love na ang umiral, ang mayaman nagpapakahirap para lang maramdaman ang pagmamahal, ang mahihirap nagpapanggap para lang mapansin nang taong mahal nya, ganun ba talaga ang dapat nating gawin? Kelangan ba nating pantayan or pilitin ang sarili na magbago para sa ibang tao, paano kung ung taong pinaguukulan mo nang pansin baliwala ka lang, lalaban ka pa ba? Kelan mo sasabihin na talo ka na? kelan ka titigil sa laban na kahit sa simula palang alam mo na hindi ka mananalo.,

Iba talaga pag pinaglaruan ka na nang lintek na pagmamahal na yan, sa larong ito wala kang kakampi kundi ang sarili mo, na ang akala mong tao na lagi nanjan sa tabi mo e ang taong unang tutulak sayo para malaglag ka sa pinaniniwalaan mo. Hindi lahat nang laban tagumpay ka, pwede bukas panalo ka at sa isang araw talo ka na. pero hindi natatapos ang buhay mo pag natalo ka. Pwede kang tumayo uli at lumaban, pwedeng taong nagpabagsak sayo ngayon ay ang taong magtatayo sayo sa susunod. Sa ngayon hindi natin alam kung sino ang para kanino, ang kinaaayawan mo noon pwede gusto mo na ngayon, pwede ang taong makikilala mo palang sa isang araw ang taong makakasama mo, marami na akong nakilala na hindi maganda ang ending, pero patuloy parin lumalaban kahit nahihirapan na. Paano nga ba magmahal nang tama? Ang gulo diba? Pagkulang ka sa pagmamahal magagalit sayo, at sobra ka nman magbigay magagalit sayo, hindi ba nila naiisip na nagmamahal ka lang, siguro nga mas masarap para sa iba ang minamahal kesa sa nagmamahal,

Marami na rin akong naging laban na pinagdaanan may seryoso, may napadaan lang, na akala ok na hindi pa pala, may iniyakan, umiyak, nagmahal at minahal, pero sa dami nang pinagdaanan ko bakit lagi nalang may naiiwang tanong sa akin, anong mali sa taong magmahal, anong mali pag binigay mo ang lahat, mali bang maging sunudsunuran sa taong mahal mo, ang akala nang iba under ka na kasi hindi ka makahindi sa taong mahal mo, pero hindi ba nila naiisip na kaligayahan lang nila ang habol mo na kahit masaktan ka ibibigay mo para sa kanya, ganyan Katanga minsan ang tao.. sabi nga “Hahamakin ang lahat masunod ka lamang” o hindi ba noon palang tanga na talaga ang tao pag nagmahal.

Isa lang ang masasabi ko, sa bawat pagkatalo mo may matututuhan ka para sa susunod na laban, may mga bagay na ipapasalamat ka, at may mga bagay na hindi mo na kayang kalimutan pa..

Perfect love… parang hindi na ako naniniwala sa ganito, wag mo daw hanapin at kusang darating.. kung kayo talaga pagtatagpuin kayo, mga paniniwalang hindi natin alam kung talagang dapat paniwalaan.

If you can’t get what you want, and then try to love what you have a simple quote…

Why are we Falling in Love????

BAKIT BA TAYO NAGMAMAHAL?!


why do we love ba?

so we can have somebody to talk to?

someone who can be there pag gusto natin gumala?

a person na pwedeng manlibre satin?

taong magbibitbit ng gamit mo?

ALALAY for short!

eh pano kung di ka nya mahal?
would you still love him/her?
would you still continue to care for that
person?

bakit naman hinde?

you didnt love that person para magkaroon ka ng alalay, magkaroon ka ng instant meal dahil libre, taong gagawa ng assignments mo or projects, or taong mahihila mo if you want to go out…

if thats what you think about love well sorry
ang BABAW mo!

loving a person doesn’t need to have a criteria na dapat maganda o guwapo, dapat mabait or understanding, kasi once you fall inlove you take the risk of accepting dat person kahit maingay sya matulog, yung hilik ng hilik kahit matakaw sya o sobrang fat na hindi kayo kasya pag puno ang jeep! kahit sobrang moody nya na kulang nalang ay sapakin mo sa inis! yung sobrang selosa/seloso na pati barkada pinagseselosan.. badtrip diba?
and yung napaka-arte OA kung baga! o kahit ano pang things that would turn you off…

hirap tlaga magmahal trying to be PERFECT kase gusto mong magtagal
pero hindi yun ang sagot sa lahat…
ACCEPTING the real person fully

kase if you said na mahal mo sya you dont need to find answers kung bakit mo sya mahal… kase lahat ng tao nagbabago but if you accept that person magbago man sya in the middle of your relationship hindi ka masasaktan kase you know that darating din yun.. tsaka tanggap mo sya ng buo…


mahirap gawin pero masarap subukan dahil wala ng sasaya pa if you let one person feel na MAHAL NA MAHAL mo sya without asking 4 anything return…

then you can say wow un pla ang LOVE!

Being happy doesn’t mean everything’s perfect.
It means you’ve decided to see beyond the
imperfections…. ΓΌ

======
Do you know I exist, just to promise you this,
Endlessly to be true to you,
And if you answer my prayer,
I cross my heart and I’d swear
Endlessly to be true to you,

And if you’d only see
How beautiful you and I would be, endlessly
Endlessly [B4-4]

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.

Ang labo diba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only forstupid people.”
Nakakatawa kasi laude ang standing niya, perodumating ang
panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tangana siya ngayon.
Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya.

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing
galing mo? Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang
mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring
tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”

At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan.
Siya! “Bakit niya ‘ko sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.

Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa ‘pag
pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong
kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko.

Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.


Wednesday, September 9, 2009

Paano ko sia makakalimutan?

SAGOT NIA....

Ito kasi yan...
Naramdaman ko narin yan,
Madali sabihin na kaya mo siyang kalimutan, pero kahit anong mangyari...di talaga magawa.

Kasi..the fact na mahal mo siya..means there's this gravity na hinihila ka papunta sa orbit niya,
unfortunately, ikaw yung may mali....kasi kahit "gravity" niya yung nagpu-pull sayo papalapit sa kanya, wala parin siyang magawang paraan para malayo ka...

Ikaw kasi yung may kakayahang lumayo or lumapit sa kanya.
Di niya hinihingi sayo na lumapit ka, hindi rin naman niya siguro hinihingi na lumayo ka...


It's your choice, really.
Ikaw yung gusto lumayo....
Kaya dapat, ikaw yung matututong lumayo.

Ngayon, isipin natin bakit ba hindi mo siya kayang layuan?

Pag alam mo na iyon, counter act the reasons why.

Ngayon, ito pa.
Alam mo na na hindi mo rin alam na mahal ka niya,
ASK HIM......About his true feelings...
Or if you can't ask him....decipher him...decode him...
Find out who he likes, and what he likes.

Ngayon, kung malaman mo na gusto ko ka rin niya...why leave his side?
Kung alam mong gusto ka rin niya, go lang nang go. Mahalin mo siya, mahal ka niya...O edi mahal niyo isa't-isa.

NO problem, no questions....Just love.

Pero kung malaman mo na hindi ka niya mahal...Then it's the perfect time to forget him.
It's the perfect time to move on, kung alam mo rin sa sarili mo na "your relationship" woudn't work.

Pero, if you're that gal who fights for what she wants... then make him want you, make him love you..

Pero if you're ready to move on....
All you have to do, is to just....FORGET him..
Layuan mo siya, make sure na you do things everyday to help you not think about him..

Make yourself busy everyday...and make friends with other guys..
In the future, you'd find yourself liking other guys, than him...maybe finding someone who's better than him..


Kaya, move on sister, move on...and forget him.
Easy said than done, but more fulling kapag ginawa mo nga yung pagkalimot sa kanya.

Tandaan mo it's your choice to forget him...If you can't, then try harder....
In the long run, makakalimutan mo rin siya..

Probably, nasa withdrawal stage ka pa kasi, pero once you find that "getting used to" effect. You find it easier everyday not to think about him...

AGAIN,
Make yourself busy..
Make friends with other people and other guys...
JUST DON'T Think about HIM.


That's it.

Wednesday, August 19, 2009

There's Always a reason to Smile








  • Get and stay out of your comfort zone.
  • Never fully give up.
  • When you are ready to quit, you’re closer than you think.
  • Accept the worst possible outcome.
  • Focus on what you want to have happen.
  • Take things a day at a time.
  • Always be moving forward.
  • Be quick to decide.
  • Measure everything of significance.
  • Anything that is not managed will deteriorate.
  • Pay attention to your competitors, but pay more attention to what you’re doing.
  • Never let anybody push you around.
  • Never expect life to be fair.
  • Solve your own problems.
  • Don’t take yourself too seriously.
  • There’s always a reason to smile. :)

The Stupid Cupid PhilosoPhy


The stupid cupid philosophy:

  1. Totoong may sariling diskarte ang puso. Pero isipin mo rin na ang utak, puso, bituka, magkakaiba man ay nasa iisang katawan. Hindi mo pwedeng sisihin ang puso o ang utak o ang bituka. Wala silang karapatang kumilos ng taliwas sa gusto mo. Pasalamat ka, dahil kung meron, malamang nauna na silang nagpatiwakal dahil sa sobrang kakornihan at kababawan ng pinoproblema mo. Huwag mo ring hintayin na lumabas ang bituka mo at pilipitin ang leeg mo.
  2. Kung niloko ka lang, hindi ka pa pwedeng ituring na tanga. Pero nung alam mo nang niloloko ka at wala kang ginawa, ginawa mong tanga ang sarili mo.
  3. kung hahayaan mo ang sarili mo na malugmok dyan at makita mo siyang nakamove-on na, tiyak iiyak ka sa sakit. Kaya unahan mo na siya.
  4. kung nagpaparamdam siya at nagpapaawa effect, busan mo siya ng malamig na tubig at sabihing you’re nothing but a second rate, trying hard, copy cat. Bumenta na ang kadramahan niya. Saka mo sundutin ng I never said that I love you!
  5. Bawas-bawasan mo ang panonood ng mga dramarama at mga telenovela. Masyado ka ng maemote sa buhay.
  6. ‘Wag mo ng masyadong ikunukuwento sa madla ang kasawian ng pag-ibig mo. karamihan sa mga interesadong makinig e naghahanap lang ng bagong mapag-uusapan. Hindi ibig sabihin na tumatango sila e nakikisimpatya sila. Piliin mo lang ang mga kaibigan o kamag-anak na pagkukuwentuhan mo, yung siguradong tutulong para makamove-on ka. Pero kung celebrity ka, okay lang na maging public entertainment ang buhay mo, dagdag kita ‘yan.
  7. kung may natatapos, happy ending man o hindi… may magsisimula. Isulat mo sa final credit ng pelikula ng buhay mo ang pangalan niya bilang bahagi ng nakaraan. Sa ilalim ng pangalan niya ay ilagay mo ang mga katagang Rest in Peace. Ang mga relasyong tinapos na ay huwag mo ng buhayin. Magsimula ka na ulit ng panibago. Ito ang best gift sa atin, ang makapagsimula. Palatandaan lang na tapos na at may pagkakataon ka ng isulat o likhain ang bagong kabanata ng buhay mo.


Image and video hosting by TinyPic
Have you ever been in love? Horrible isn’t it? It makes you so
vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it means
that someone can get inside you and mess you up. You build up all these
defenses, you build up a whole suit of armor, so that nothing can hurt
you, then one stupid person, no different from any other stupid person,
wanders into your stupid life…You give them a piece of you. They
didn’t ask for it. They did something dumb one day, like kiss you or
smile at you, and then your life isn’t your own anymore. Love takes
hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you crying in
the darkness, so simple a phrase like ‘maybe we should be just friends’
turns into a glass splinter working its way into your heart. It hurts.
Not just in the imagination. Not just in the mind. It’s a soul-hurt, a
real gets-inside-you-and-rips-you-apart pain. I hate love.

Friday, July 24, 2009

malupet na banat


"sa panahon ngaun,
bihira na ang may matalik na kaibigan.
mas mdalas ay may katalik na kaibigan."

anong twag sa boyfrnd na mbait,
guapo, mpagmhal, mlmbing, d seloso,
my mgandang trbaho mcpag,
wlang bsyo, at wlang babae?
answer: GUNI GUNI!..HEHE


pg niloko at snktan ka ng mhal mo..
eto ang sbhin mu..
"nver say die..tomorrow is another guy"..

mlupit n banat ng 1 btang tmad sa knyang mpg-utos na ina:
"umayos k ma! ang diyos nga sampu lng ang u2s,
kw mdami! gs2 m ipako dn kta?

"wag kang titikim ng msarap,
pra hndi ka mghanap..
at wag mo ssrapan ang pgpptikim,
pra ndi ka hnap-hnapin.


Pasaway nah bf:
bf: baby, hndi kb nlulungkot?
gf: ha? hndi nmn. bkt nman aq mlu2ngkot?
bf: eh kc. mg isa k lng sa puso ko. gus2 mo ng ksma?


Girl: sino ang pipiliin mo,
ako o ang Counter Strike na yan?
Boy: counter xempre
Girl: bakit?
Boy: ang counter kac pwdng pglaruan.
eh ikw maxado ktang mahal para pglaruan.


mas malupit na banat

gurl: tikman mo tong cake,
msarap! gwa NG NANAY KO!
boy: ikaw nlng kya tikman ko,
gwa ka rin nmn ng nanay mo!


boy: mhal kita noon, mas mhal kita ngaun..
pwd bng tau nlng ulit?
grl: mhal kita noon..
mglaway ka ngaun!! hahaha.......


pedro: alam mo, Rosa.
Rosa: ano yun?
pedro: your eyes are really attractive
Rosa: tlaga?
pedro: oo, they attract each other! nyahahhaa........


In the forest, bella saw edward's body shimmer
as it has been hit by the sun...
bella: i know what you are...
edward: say it, say it out loud, say it...
bella: BADING!!! Puro ka foundation sa mukha tapos ngayun may glitters ka pa sa katawan?! gayness k tlga!!


2 babies were chatting inside d incuba2r..
BOY: Ba't ka pnanganak?
GIRL: Ewan ko. eh ikw?
BOY: Ako? I was born 2 tell u "I LOVE U"


tinanong ako ng barkada,
mhal dw b kta, cnagot ko cla
ng tawa, cgaw nla, cnungaling ka!
2malikod ako sabay cgaw!

"oO! mhal ko cia..

..s0bra!!! bket my ko2ntra?


I tried to be the
sweetest gurl for him..
unfortunetly, diabetic pla xa!
kaya aun, naghanap ng "wlang lasa!"

haha!


Sabi nila pag nadapa ka,bumangon!
Eh paano kung nadapa ka sa ibabaw ng mahal mo?
Ba2ngon ka p ba? hehehe


Anak: ma! may wyt hairs na u pla?
Mama: oo anak & ur d reason.
every stupdty ng anak puputi ang evry
hair ng ina.
Anak: ah! kya pla puti lhat ng buhok ni lola.


Use DEDICATE in a sentence..
pag ginamitan mo yan ng glue 4 sure
DEDICATE yan..
How about CONTINUE ..
kahapon ang dami dami nyo bkit ngayon ang CONTINUE..
Idagdag pa ntin ang VIOLET...
Naholdap yung cellphone ko,
di bale I'LL VIOLET..
eto pa OPINION...
papasok ka sa pinto OPINION..
eh ang CONCLUSION...
syempre, d ka nman mkakapasok sa pintuan CONCLUSION..HEHE....